^

PSN Palaro

Pinansiyal na kailangan ng 2005 SEAG hanap

-
Dahil sa naunang anunsiyo ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, hinggil sa krisis na kinakaharap ng bansa sa pinansiyal na aspeto, agaran tugon ang siyang ibinigay ni PHILSOC chairman Roberto "Obet" Pagdanganan, kaugnay sa paghahanda ng bansa sa nalalapit na 2005 SEA Games.

Ayon kay Pagdanganan, na galing lamang sa kanyang pakikipagpulong kay Budget secretary, Emilia Boncodin, hindi maapektuhan ng naturang paghahanda ang kaban ng bayan dito.

Sinabi niya na hahanap ng ibang mapagkukuhanan ng pinansyal na tulong ang kanyang kumite upang matuloy ang isang matagumpay na pagsasagawa ng nasabing biennial meet sa bansa.

"We all heard President Arroyo declare that we are facing tough times financially. While we determined to honor an international commitment, we are also one with the government in responding to domestic responsibilities," ani Pagdanganan.

Ayon pa sa kanya, ang tulong buhat sa mga pribadong sektor ang isa sa makapagpapalawig ng layunin ng bansa upang maisakatuparan ang isang matagumpay na hosting ng SEA Games sa susunod na taon.

Kasabay nito, ay sama-samang lakas ang isasagawa ngayon ng tatlong kumite na punung-abala sa paghahanda ng SEA Games sa bansa, ito ay ang Philippine Sports Commission, ang Philippine Olympic Committee at ang PHILSOC, kung saan mismong sila na ang gagawa ng mas mabilis na paraan upang lumapit sa mga pribadong sektor para sa tulong pampinansiyal sa nalalapit na okasyon.

Si Pagdanganan ay kaga-galing lamang buhat sa Athens Greece, kung saan siya ay naging kinatawan ng pangulo dito para sa kasalukuyang 2004 Olympic Games, kasa-ma si PSC chairman Eric Buhain, kung saan kumuha din siya ng ilang punto na maaring  gamitin para sa paghahanda ng bansa sa 2005 SEA Games.

ATHENS GREECE

AYON

EMILIA BONCODIN

ERIC BUHAIN

OLYMPIC GAMES

PAGDANGANAN

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

PRESIDENT ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with