Sinungkit ng UPHDS Altas ang unang slot sa semifinals nang kanilang igupo ang College of St. Benilde, 90-74 sa unang laro na pinarisan ng Dolphins matapos ang 80-77 panalo kontra naman sa defending champion Colegio de San Juan de Letran sa ikalawang laro.
Naging bayani ng PCU si Jayson Castro na umiskor ng triple sa huling 3-segundo ng laro, pumaltos ang desperadong tira ni Ronjay Enrile na dahilan ng pagkatalo ng Knights.
Pinagsaluhan ng Perpetual at ng PCU ang pangkalahatang pamumuno sa parehas na 9-4 record at kung maipapanalo nila ang kani-kani-lang huling asignatura ay mapapasakanilang kamay ang twice-to-beat advantage na ipagkakaloob sa top-two teams patungo sa susunod na round kung saan ang No. 1 ay haharap sa No. 4 at No. 2 kontra sa No. 3.
Sumandal ang Altas kina Nonoy Javier at Fritz Bauzon na tumapos ng tig-28 puntos upang ibaon sa 1-12 record ang Blazers na nabigong sundan ang nakaraang 103-97 panalo kontra sa Mapua Institute of Technology.
Palaban ang St. Benil-de sa unang bahagi ng labanan ngunit nagawang kumawala ng Perpetual sa ikatlong quarter para iposte ang kanilang pinakamalaking kalamangan na 22 puntos, 84-62 sa ikaapat na quarter.
Dahil sa kabiguan ng Knights na nagbagsak sa kanila sa 8-5 kartada sa ikatlong puwesto, obliga-do silang ipanalo ang hu-ling asignatura upang makapasok sa crossover semis at magkaroon ng tsansa sa twice-to-beat.
Sa juniors division, kinumpleto ng La Salle Greenhills ang Final Four nang itala ang ika-9 panalo sa kabuuang 14-laro matapos ang 105-50 pa-nanalasa sa UPHDS Alta-lettes na nagtapos na bokya sa 14 laban.
Makakasama ng Greenies sa semis ang defending champion San Beda, PCU Baby Dolphins at Letran Squires.