NCAA Men's Basketball: Altas,Dolphins umusad sa Final Four
August 28, 2004 | 12:00am
Ipinormalisa ng host University of Perpetual Help Dalta System at ng Philippine Christian University ang kanilang pagsulong sa Final Four matapos ang magkahiwalay na panalo sa pag-usad ng second round ng eliminations ng NCAA mens basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum kahapon.
Sinungkit ng UPHDS Altas ang unang slot sa semifinals nang kanilang igupo ang College of St. Benilde, 90-74 sa unang laro na pinarisan ng Dolphins matapos ang 80-77 panalo kontra naman sa defending champion Colegio de San Juan de Letran sa ikalawang laro.
Naging bayani ng PCU si Jayson Castro na umiskor ng triple sa huling 3-segundo ng laro, pumaltos ang desperadong tira ni Ronjay Enrile na dahilan ng pagkatalo ng Knights.
Pinagsaluhan ng Perpetual at ng PCU ang pangkalahatang pamumuno sa parehas na 9-4 record at kung maipapanalo nila ang kani-kani-lang huling asignatura ay mapapasakanilang kamay ang twice-to-beat advantage na ipagkakaloob sa top-two teams patungo sa susunod na round kung saan ang No. 1 ay haharap sa No. 4 at No. 2 kontra sa No. 3.
Sumandal ang Altas kina Nonoy Javier at Fritz Bauzon na tumapos ng tig-28 puntos upang ibaon sa 1-12 record ang Blazers na nabigong sundan ang nakaraang 103-97 panalo kontra sa Mapua Institute of Technology.
Palaban ang St. Benil-de sa unang bahagi ng labanan ngunit nagawang kumawala ng Perpetual sa ikatlong quarter para iposte ang kanilang pinakamalaking kalamangan na 22 puntos, 84-62 sa ikaapat na quarter.
Dahil sa kabiguan ng Knights na nagbagsak sa kanila sa 8-5 kartada sa ikatlong puwesto, obliga-do silang ipanalo ang hu-ling asignatura upang makapasok sa crossover semis at magkaroon ng tsansa sa twice-to-beat.
Sa juniors division, kinumpleto ng La Salle Greenhills ang Final Four nang itala ang ika-9 panalo sa kabuuang 14-laro matapos ang 105-50 pa-nanalasa sa UPHDS Alta-lettes na nagtapos na bokya sa 14 laban.
Makakasama ng Greenies sa semis ang defending champion San Beda, PCU Baby Dolphins at Letran Squires.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended