NCAA Men's Basketball: Letran, PCU maghihiwalay ng landas
August 27, 2004 | 12:00am
Naghihintay ang Final Four slot para sa University of Perpetual Help Dalta System Rizal, Philippine Christian Univer-sity at defending champion Colegio de San Juan de Letran na magkaka-salo sa liderato kung sila ay mananalo sa kanilang pagsalang ngayon sa pagpapatuloy ng eliminations ng NCAA mens basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum
Mas tutukan ang ikalawang seniors game kung saan maghihiwalay ang landas ng CSJL Knights at PCU Dolphins sa alas-4 ng hapong main game na susundan ng kanilang junior counterparts, ha-bang makakasagupa naman ng UPHDS Altas ang College of St. Benilde sa unang seniors game sa alas-2 ng hapon pag-katapos ng engkuwentro ng kanilang junior coun-terparts sa alas-11:30 ng umaga.
Ang Perpetual, Phil. Christian at Letran ay nasa three-way tie sa liderato dahil magkakatulad ang kanilang kartada sa 8-4 ay nakakasiguro na ng playoff para sa huling slot ng Final Four, ngunit ang kanilang tagumpay ngayon ang pormal na magluluklok sa kanila sa semifinal round.
Sapat na ang siyam na panalo para makapa-ok sa Final Four dahil ang San Beda College at Mapua Institute of Technology na tabla sa 6-6 kartada ay nasa likod ng 7-5 ng San Sebastian College-Recoletos, na lamang ang may tsansang makahabol sa semifinals at hanggang walong panalo na lamang ang kanilang maaabot.
Kapwa sibak na sa kontensiyon ang Jose Rizal University na may 4-8 record lalo na ang College of St. Benilde ngunit kailangang mag-ingat ang Altas dahil ins-pirado ang CSB Blazers sa kanilang nakaraang 103-97 panalo kontra sa MIT Cardinals para pigilan ang kanilang 11-game losing streak. (Ulat ni CVO)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am