UAAP Games kinansela

Kinansela ng University Athletic Association of the Philippines ang apat na larong nakatakda kahapon sa PhilSports Arena dahil sa masamang panahon.

Ang apat na laro, ayon sa UAAP Board ay paglalabanan sa September 1, pagkatapos ng mga regular game sa schedule na gaganapin pa rin sa PhilSports Arena ngunit walang TV coverage.

Magpapatuloy ang aksiyon bukas sa PhilSports kung saan nakatakdang maglaban ang National University at ang UE Red Warriors sa unang seniors game pagkatapos ng engkuwentro ng kanilang junior counterparts sa alas-11:30 ng umaga habang sa ikalawang seniors game, alas-4 ng hapon, maghaharap ang UP Maroons at Far Eastern University.

Show comments