NCAA Men's Basketball: College of Saint Benilde nalo din

Huli na ang lahat para sa College of Saint Benilde ngunit walang makakapigil sa kanila para ipagdiwang ang kauna-unahang panalo sa NCAA men’s basketball tournament matapos ang 103-97 panalo kontra sa bigating Mapua Institute of Technology sa binagyong NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Rizal Memorial Coliseum.

"Sabi ko nga, it’s better late than never," wika ni CSB Blazers coach Tonichi Yturri matapos wakasan ng St. Benilde ang kanilang 11-game losing streak kahit sibak na sila sa kontensiyon.

Naging mainit sina Louie Abad at Paolo Orbeta na umiskor ng 28 at 25 puntos, ayon sa pagkakasunod upang pamunuan ang Blazers kaya nadulas ang MIT sa 6-6 win-loss slate na siyang dahilan para mala-gay sa alanganin ang kanilang kontensiyon sa Final Four kung saan halos pasok na ang Philippine Christian University at host University of Perpetual Help Dalta System na tabla sa 8-4 kartada para sa liderato.

Muntik pang madiskaril ang St. Benilde nang magbanta ang Mapua sa 97-99, 17 segundo pa ang nalalabing oras sa laro ngunit umiskor ng free throws si Abad na sinundan ng layup ni Kris Robles para iselyo ang final scores.

Sa juniors division, sumulong din ang La Salle Greenhills sa 7-5 panalo-talo matapos ang 83-63 pamamayani kontra sa MIT Red Robins na bumagsak sa 2-10 karta.

Samantala, para ma-kaiwas sa ‘contemp of court’, napilitang mana-himik ang Management Committee ng NCAA laban sa legal action ng Colegio de San Juan de Letran.

"We cannot comment on that (legal action ng Letran) anymore because the case is already in court," wika ni ManCom head Michael del Mundo kahapon na tumangging magsalita ukol sa posibleng ibigay na sanction sa Letran na lumikha ng TRO (Temporary Res-training Order) noong Biyernes.

Show comments