"Nag-backout umano si Barrera kung kayat matunog ang pangalan ni Morales," wika ng boxing man. "Sa huling pag-uusap ay sa Nobyembre 6 ang laban ng dalawa at si Bob Arum ang magiging promoter nito kasama rin si Murad Muhammad."
Huling naiulat na si Pac-quiao ay haharap kay Barrera sa Nobyembre 27 subalit biglang nagbago ang ihip ng hangin ng pumasok sa eksena si Arum na siyang promoter ni Morales.
Matapos talunin ni Morales si Carlos Fernandez ng El Salvador noong isang buwan sa MGM Grand sa Las Vegas ay sinabi nito na isa sa gusto niyang makasagupa ay ang kaliweteng Pilipino.
Sa katunayan ay kung na-knockout ni Pacquiao si Juan Manuel Marquez noong kanilang laban noong Mayo 8 sa MGM Grand ay siya na ang lalaban kay Morales.
Isang araw matapos ang laban nina Barrera at Pacquiao ay nagpahayag din ng interes si Pacquiao na makipagrambulan kay Morales.
Samantala ay panay ang ensayo ni Pacquiao sa General Santos City para sa kanyang laban sa Nobyembre. Tutulak patungong Los Ange-les ang kanyang grupo kasama ni Bobby Pacquiao at Z Gorres para magsimula na ng ensayo sa Wild Card Gym ni Freddie Roach sa Sept. 8.
Sakaling matuloy ang labang Pacquiao-Morales ay sa 130 lbs. maglalaban ang dalawa.
Hawak ngayon ni Morales ang World Boxing Council at International Boxing Federation super-featherweight titles.