"After the first jump, siguradong wala na akong nerbiyos," anang 29 anyos na tubong-Peñablanca, Cagayan Valley sa bisperas ng kanyang pinaka-importanteng pakikipagtipan sa kanyang 15 taon na athletic career.
Nagtakda ito ng dalawang layunin sa kanyang unang pagtatangka sa Olympic long jump--ma-break ang national record na 6.56m na pinagsososyohan nila ng nagretirong si Elma Muros at ikalaway makapasok sa finals.
"Mahirap sigurong makapasok sa finals because the qualifying stan-dard is 6.65m," dagdag niya. "But I am determined. Anong malay mo baka suwertihin."
Ang pangunahing leapers sa mundo, kabilang na si Sydney Olympic gold medalist Marion Jones ng US at ang 1-2 punch ng Russia na sina Tatyana Lebedova at Tatyana Kotova, ay kabilang sa 40 entries sa long jump na magsisimula sa ganap na alas-9:20 ng gabi ng Miyerkules sa OAKA (main stadium).
"Okay lang ang weather," paliwanag ni Bulauitan." Gabi naman, kaya malamig na. Kaya lang baka mahangin."
Ngunit bigatin talaga ang mga kasali sa event. "The best Asian are also here. Among them are Chinese Yingnan Guan, Indian Auju Bobby George and Japanese Maho Janaoka," ani coach Joseph Sy.
Kasali din sina Anastasiya Zhuravleva ng Uzbekistan at Yelena Kashcheyeva ng Kazakhstan, pero hindi nag-aalala si Bulauitan dahil pawang mga nakalaban na niya ang mga ito ng ilang beses katunayan tinalo pa niya.
Matapos ang dalawang linggong pagsasanay dito, maganda ang pakiramdam ng Pinay long jumper. At masaya siyang lalaban sa paborito niyang event hindi tulad noong nasa Sydney Olympics siya na tumakbo siya sa 100m at naorasan ng mabagal na 12.08 sec.