Naorasan si Magpantay ng 17 minuto at isang segundo habang pumangatlo naman si Eduardo Noriega (17:04) upang makuha ang mga papremyo mula sa Beam Toothpaste at Zest-O Juice Drinks.
Umabot si Portem sa finish line sa oras na 23 minuto at apat na segundo sa karerang ito na sinalihan ng mahigit sa 1,500 na estudyante. Magkatulong sa leg na ito ang Media Runners and Sports Promotions kasama sina Prof. Jose Eviza, Physical Education Recreation Sports Development Center (PERSDC) director at Dr. Edita Chan, vice president for academic affairs ng University of Makati.