Lapasigue at Luterte pa rin
August 23, 2004 | 12:00am
Napanatili nina Edgar Lapasigue at Camila Luterte ang kani-kanilang regional titles sa 28th National Milo Marathon Tacloban leg sa Tacloban City.
Si Lapasigue ay naorasan ng isang oras, 9 na minuto at 18 segundo upang angkinin ang kanyang ikalawang sunod na korona sa mens division.
Bukod sa isang eleganteng tropeo tatanggap din si Lapasigue ng halagang P10,000 premyo. Siya ay tumapos na pang-12th overall sa Finals noong nakaraang taon ngunit nangako ito ngayong higit na mas magandang pagtatapos ang kanyang gagawin sa Finals ng karerang handog sa pakikipagtambalan ng Bayview Park Hotel, Adidas, Cebu Pacific, Globe Handyphone at Department of Tourism.
Pumangalawa naman kay Lapasigue sa karerang ito si Jonathan Belmonte (1:09:43) at third si Gilbert Luterte (1:10:05), anak ng nagreyna sa kababaihan.
Habang inaasahan na idodomina ni Camila Luterte ang karera, ang drama ay dumating makalipas ang limang minuto pagkatapos niyang tumawid sa finish line.
Dumating sa ikalawang puwesto si Riza Gocela sa tiyempong 1:35:32 ngunit lumasap ng muscle cramps at nagkulaps pagtawid sa finish line.
Muntik na ring hindi matapos ng third place na si Annielyn Tegio ang karera. Tumanggap ng pinakamalakas na pagsalubong si Tegio nang apat na beses itong bumagsak sa huling 30 meters ng kurso bago gumagapang na tinawid ang finish line.
Ang top three finishers kakatawan sa Region 8 sa National Finals sa Nobyembre 14 sa Metro Manila.
Sa 5K fun run, naunahan ni Allan Latoja si Judeto Paculdo upang angkinin ang mens crown habang nau-ngusan naman ni Erika Estacion si Jeralin Dones sa kababaihan. At sa 3K kiddies age-group nanaig sina Rey Beron at Jolexa Estacion (6-9 years old) at Gerald Glindro at Elyssa Mae Estacion (10-12 years old).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended