Pinoy chessers maagang umarangkada

Maagang umarangkada sina International Masters Yves Rañola, Ronald Bancod at NM-candidate Roland Salvador ng Pilipinas matapos payukuin ang kani-kanilang kalaban para pangunahan ang 120-man field sa opening ng 24th Bratto Chess Festival na ginanap kahapon sa Bratto, Italy.

Pinaluhod ni Rañola, na sariwa pang nakisosyo sa kampeonato noong nakaraang Linggo sa Genova, Italy si Alessandro Buccoliero, habang sinipa naman ni Bancod si Francesco Agnelli at tiniris naman ni Salvador si Costantino Molteni para maitala ang kanilang 1.0 puntos at makisosyo sa liderato kina defending champion GM Gyula Sax ng Hungrary, 1993 World Junior champion Super Grandmaster Igor Miladinovic ng Greece, GM Igor Khenkin ng Germany, GM Michele Godena ng Italy, GM Miso Cebalo ng Croatia, GM Andrei Maksimenko ng Ukraine, GM Erald Dervishi ng Albania, GM Sinisa Drazic ng Yugoslavia, GM Elena Sedina ng Colum-bia,WGM Olga Zimina ng Russia, IM Fabio Bellini ng Italy, IM Nikita Maiorov ng Belarus at iba pa.

Nakuntento naman sa draw ang dalawa pang Pinoy IM na sina IM Joseph Sanchez at NM Rolly Martinez kontra kina Marco Vinziguerra at IM Mario Lanzani ng Italy, ayon sa pagkakasunod para makali-kom ng tig kalahating (0.5) puntos.

Nakataya sa FIDE tournament na ito ang FM, IM, GM norms kung saan ang mag-kakampeon ay tatanggap ng 1,500 euro dollars.

Habang ang 2nd hanggang 10th place ay may mauuwing tig-1,000, 700, 600, 500, 450, 400, 350, 300 at 275 euro dollars, ayon sa pagkakasu-nod.

May matatanggap din ang 11th to 15th places na tig 250 euro dollars habang ang 16th to 20th place ay may tig 200 euros.

Napuwersa naman sa tabla si fourtime (1999-2002) champion at top seed Super Grandmaster Vladimir Epishin ng Russia sa tabla kontra kay local bet Corrado Astengo.

Show comments