"Were doing better at this stage of the Games here than in Sydney four years ago," wika ni Dayrit. "Our archer, Jasmin Figueroa, did us a lot of proud with her gutsy performance while swimmers Miguel Molina and Jaclyn Pangilinan broke three Philippine records."
Nagpahayag si Dayrit ng kumpiyansa na ang nalalabing boxer ng bansa na si Harry Tanamor ay mananatiling nasa kontensiyon, gayundin kina taekwondo jins Donald Geisler, Mary Antoniette Rivero at Tshomlee Go at track stars Lerma Bulauitan at Edurado Buenavista ay makapagpapakita ng mas mahusay na performance kaysa sa inaasahan.
Uuwi si Figueroa, na nasa rank No. 3, na maipagmamalaki buong mundo na kaya ng Filipino na makapagpakita ng mahusay sa archery nang kanyang gapiin ang dating world record-holder at No. 2 na si Natalia Valeeva ng Italy, 132-130 at bahagya lamang natalo sa World University Games silver medalist na si Almudena Gallardo ng Spain, 150-152.
"Jasmins showing, also proved wrong the belief of many that a wild card entry is only a token participation the Olympics," wika pa ni Dayrit.
Inihayag din ni Dayrit na si Figueroa ay maaaring makakuha ng insentibo mula sa PSC at POC. "I talked to Eric (Buhain) about it and hes studying the matter. The POC will also discuss this."
Optimistiko rin si Dayrit na magiging matagumpay ang bansa sa pagho-host ng Southeast Asian Games sa susunod na taon dahil sa pagkumpirma kay dating Tourism Secretary Roberto Pagdanganan bilang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee chairman.
Iniurong ang SEAG mula November 27 hanggang December 5, na ta-tagal ng siyam na araw gaya ng sa Vietnam Games. Sinabi pa ni Day-rit na pinag-aaralan nila ang posibilidad na isagawa ang opening sa Luneta Park.