^

PSN Palaro

Buenavista, Bulauitan may insentibo kapag...

-
Bibigyan ng insentibo nina bagong-halal PATAFA chairman Alipio Fernandez at project director Armand Sanchez sina Eduardo ‘Vertek’ Buenavista at Lerma Bulauitan-Gabito kapag na-break nila ang kanilang national records sa Athens Olympics.

Nagkasundo sina Fernandez, kasalukuyang Immigration commissioner at Sanchez, gobernador sa Batangas na magbibigay sila ng tig-P10,000 bilang insentibo sa dalawang athleta.

"That’s P20,000 just in case. I think both of them will be glad to hear the news," ani athletics president Go Teng Kok na lilipad patungong Athens sa Linggo.

Si Buenavista, tubong-Sto. Niño, South Cotabato ay kasali sa makabasag-dibdib na full marathon kontra sa mga pinakamahuhusay na pambato ng iba’t ibang bansa mula sa Kenya, Ethiopia, Australia, Great Britain, Japan at United States.

Ang kanyang personal best ay 2:18.44 na naitala sa Oita City marathon sa Japan noong Pebrero na bumura sa 14 taong gulang na Phlippine record na itinala ni Herman Suizo na 2:19.26 noong 1990 Seoul footrace.

Sa kabilang dako, napantayan naman ni Bulauitan-Gabito ang 7 year old marka na 6.56m ni Elma Muros sa long jump sa Colombo leg ng 2004 Asian Grand prix noong nakaraang buwan.

Bago nagtungo sa Athens, ipinangako ni Bulaitan-Gabito na su-subukan niyang gibain ang kanyang sariling record. <

ALIPIO FERNANDEZ

ARMAND SANCHEZ

ASIAN GRAND

ATHENS OLYMPICS

ELMA MUROS

GO TENG KOK

GREAT BRITAIN

HERMAN SUIZO

LERMA BULAUITAN-GABITO

OITA CITY

SI BUENAVISTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with