^

PSN Palaro

Letran kumuha ng TRO para kay Rodriguez

-
Dahil sa court action ng defending champion Colegio de San Juan de Letran, inaasahang mabigat na kaparusahan ang kanilang matatanggap mula sa Management Committee ng NCAA.

Kumuha ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Letran para makalaro si Eric Rodriguez na nasuspindi ng one-game tulad ni Dean Apor ng host University of Perpetual dahil sa kanilang unsportsmanlike conduct sa kanilang laban noong Agosto 13.

Bagamat nai-serve ang TRO, 30 minuto bago magsimula ang laro kung saan natalo rin ang Letran kontra sa Mapua, 60-62, hindi rin pinalaro si Rodriguez dahil diumano sa injury sa Tuhod.

Nadismaya ang MAN-COM sa ginawang aksiyon ng Letran na nakatakdang magpulong para sa sanction na ipapataw sa Knight.

Nagtangkang kumuha ang MANCOM na pinangungunahan ni Michael del Mundo, ng motion for reconsideration ngunit hindi ito dumating sa oras.

Sa unang seniors game, nanalo naman ang San Beda na umangat sa 6-5 katabla ang Mapua, kontra sa St. Benilde, 83-77 na lalong nabaon sa 0-11 sa isang overtime game.

Sa juniors division, inilampaso naman ng defending champion SBC red Cubs ang La salle Greenhills, 75-49 para sa kanilang ika-11 sunod na panalo.

DEAN APOR

ERIC RODRIGUEZ

LETRAN

MANAGEMENT COMMITTEE

MAPUA

SAN BEDA

SAN JUAN

ST. BENILDE

TEMPORARY RESTRAINING ORDER

UNIVERSITY OF PERPETUAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with