^

PSN Palaro

Meneses nagbalik kay Guiao

-
Tuloy na tuloy na ang paglipat ni Vergel Meneses sa Barakos.

Ito’y matapos maiselyo ang negosasyon sa pagitan ng kampo ng Red Bull at FedEx para makuha ng Barakos ang serbisyo ni Meneses kapalit ni Homer Se.

Bagamat parehong sa December 31 pa mapapaso ang kontrata ng tinaguriang ‘Aerial Voyager’ at ni Se nagkasundo ang magkabilang panig na i-absorb ang kani-kanilang existing contracts.

Kasabay nito, naiselyo din ng dalawa ang panibagong kontrata sa kani-kanilang bagong teams.

Inaasahang tatanggap si Meneses ng maximum players salary cap na P350,000 sa kanyang isa’t kalahating taong kontrata sa Red Bull habang tinatayang P9-milyon hanggang P11M ang makukuha ni Se sa kanyang tatlo’t kalahating taong kontrata sa FedEx.

Ayon sa mapapagkatiwalaang source, posibleng mas mababa sa P350,000 ang makukuha ni Meneses mula sa Red Bull.

Ayon sa impormante, masikip na ang salary cap ng Red Bull posibleng hindi maibigay ng Barakos ang maximum salary kay Meneses.

Bukod kay Se, mapapaso din ang kontrata ni Davonn Harp sa Red Bull ngunit mananatili itong Barako matapos bigyan ng extension contract ng management.

Dahil dito, iiwanan na ni Meneses ang Express at magsusuot na ng uniporme ng Barako sa pagbubukas ng regular season sa October 3.

At ito rin ang reunion nina Meneses at Guiao na dating magkasama sa dating prangkisa ng RFM Group of Companies na Sunkist. (Ulat ni Carmela Ochoa)

AERIAL VOYAGER

AYON

BARAKO

BARAKOS

CARMELA OCHOA

DAVONN HARP

GROUP OF COMPANIES

HOMER SE

MENESES

RED BULL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with