^

PSN Palaro

Ngayon ang tamang panahon

-
ATHENS --Para kay Filipino taekwondo fighter Donald David Geisler, ngayon na ang tamang panahon para umatake sa Olympic Games.

"I’m better prepared now than in Sydney four years ago," wika ni Geisler. "And my confidence level is quite high."

Hangad din ng 6-foot-1, na si Geisler, ang 25-anyos na beterano ng anim na World Cup, tatlong World at apat na Asian Championships, na makabawi sa kanyang nakakadismayang first round loss sa Sydney Olympics.

"The field is tough, but I believe I can go all the way to the medal round," aniya. "I didn’t like the way I lost then (sa Sydney). I finished in a tie with my Swedish rival and I thought I delivered the more solid blows. But the referee declared him winner by superiority."

Masaya si Geisler sa pagkakataong ito dahil nagdesisyon ang interna-tional (taekwondo) body na baguhin ang mga rules sa tablang laban.

"Instead of letting the referee decide, the World Taekwondo Federation will now have the deadlock broken through sudden death where the first to score a point wins," paliwanag ni Geisler.

Ibinibigay ni Geisler, silver medalists sa 1998 World Cup competition sa Germany at two-time silver winner sa Asian championships, kay Korean coach Tae Hyung Kim ang kredito na nagturo sa kanya ng mga bagong techniques para higit na maging agresibo.

"He pushes you to the limit. He’s a master strategist," ani Gisler ukol kay Kim na tinutulungan ng head coach na si Jesus (Jobet) Morales III sa kampanya ng RP jins dito.

Maliban sa pananakit ng mga muscle sa binti, wala nang nakikitang problema si Geisler. "I’m in top shape having trained for 75 days in Seoul and competed in Korean Open where I lost to a Korean by superiority after we tied at 6. Pero naluto ako talaga sa laban dahil lamang na lamang ako."

Pareho namang first timers sa Olympics sina Mary Antoinette Rivero at Tsomlee Go ngunit sapat na ang kanilang malawak na karanasan sa taekwondo at ang kanilang determinasyon.

Nangako ang dalawa na ibibigay nila ang lahat ng kanilang makakaya upang makapagbigay ng karangalan sa bansa.

Sa edad na 16 bilang third year high school ng home study program ng Angelicum School, pakiramdam ni Rivero ay maganda ang kanyang kondisyon, physically at mentally.

"I know it’s going to be tough winning hear but I’m determined," wika ng 5-foot-8 teener na kapatid ng mga taekwondo jins ring sina Manuel Jr. at Mark. "But I’m not too worried because I have already seen and fought against some of these athletes in my class (-57-to-67 kg.)."

Ang pinakamalaking karangalan ni Rivero ay ang kanyang gold medal finish sa Vietnam SEA Games noong December. Naka-silver din ito sa Asian Junior Championships sa Korea.

ANGELICUM SCHOOL

ASIAN CHAMPIONSHIPS

ASIAN JUNIOR CHAMPIONSHIPS

BUT I

DONALD DAVID GEISLER

GEISLER

KOREAN OPEN

MANUEL JR.

WORLD CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with