^

PSN Palaro

Tajikistan boxer hindi nakaporma kay Tanamor

-
ATHENS--Hindi pinaporma ni lightflyweight Harry Tanamor ng Philip-pines si Sherali Dostiev ng Tajikistan nang kanyang patumbahin ito sa pamamagitan ng malutong na right-left combination sa mukha para sa 17-12 panalo para makausad sa ikalawang round ng Olym-pic Games boxing competition sa Persiteri Hall dito.

Ilang ulit na nasangga ni Tanamor ang mga atake ni Dostiev mula sa simula at ginamit nito ang kanyang mahabang bisig at mabilis na kamao para ikonekta ang mga solidong suntok sa ikaapat na round upang maiselyo ang tagumpay.

Nakalamang si Tanamor ng dalawang puntos sa unang round at tig-isa sa ikalawa at ikatlo bago nito tinambakan ang kalaban sa final round, 5-1.

"Nanibago ako," wika ng 27-gulang na si Tanamor na huling boxer na nag-qualify sa huling Asian eliminations sa Pakistan. "Masyado sigurong excited."

Sa katunayan, pinadugo ni Tanamor ang ilong ni Dostiev sa unang round sa pamamagitan ng malakas na left straight kaya bumagal ang Tajikistan pug.

"Maganda ang mga patama," ani dating Mayor Mel Lopez na tumutulong sa kampanya ng mga Pinoy dito dahil sa kanyang anak na si Manny na siyang president ng Amateur Boxing Association of the Philippines. "Maganda rin ang galaw at makikita mo na talagang confident siya."

Susunod na makakalaban ni Tanamor, gold medalist sa Vietnam SEA Games noong Disyembre, ang South Korean na si Hong Moo Won sa Sabado.

Ang isa pang Pinoy boxer na natitira ay ang light welterweight na si Romeo Brin na nakatakdang humarap kay Manus Boonjumnong ng Thailand kagabi.

Dalawang Pinoy ang maagang nasibak sina middleweight Christopher Camat at flyweight Violito Payla na hindi naging matagumpay sa kanilang unang asignatura.

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

CHRISTOPHER CAMAT

DALAWANG PINOY

DOSTIEV

HARRY TANAMOR

HONG MOO WON

MAGANDA

MANUS BOONJUMNONG

TANAMOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with