^

PSN Palaro

NCAA Basketball Tournament: Stags yuko sa kulang sa taong Altas

-
Kahit wawalo lamang ang players ng host University of Perpetual Help Dalta System Altas, hindi ito naging malaking hadlang para hatakin ang 70-65 panalo kontra sa San Sebastian College-Recoletos na tumapos sa kanilang three-game losing streak sa pagpapatuloy ng umiinit na second round eliminations ng NCAA men’s basketball tourna-ment sa Makati Coliseum.

Kahit paralisado ang line-up ng UPHDS Altas dahil sa injuries ng mga players at pagkakasuspindi ni Dean Apor, punum-puno ng determinasyon ang Perpetual upang i-angat ang kanilang record sa 7-4 at saluhan sa ikalawang puwesto ang kanilang biktimang SSC-Stags sa likod ng solo lider na ngayong defending champion Colegio de San Juan de Letran sa 7-3.

"Puso ang nagpanalo sa amin. Basta sinabi ko lang sa mga bata na maglaro na lang ng husto kahit kulang kami sa tao," ani Altas coach Bai Cristobal.

Pinangunahan ni Noy Javier ang Altas sa kanyang 16-puntos na sinundan ni Marcel Cuenco ng 13.

Sa juniors division, nanalo naman ang SSC Staglets kontra sa UPHDS Altalletes, 99-74 at ang PCU Baby Dolphins kontra sa JRU Light Bombers, 90-75.

Ito ang ikasiyam na panalo ng Baby Dolphins sa siyam na pakikipag-laban habang inangat naman ng Staglets ang kanilang kartada sa 6-5 panalo-talo sa juniors category.

ALTAS

BABY DOLPHINS

BAI CRISTOBAL

DEAN APOR

KAHIT

LIGHT BOMBERS

MAKATI COLISEUM

MARCEL CUENCO

NOY JAVIER

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with