Figureoa,nahimasmasan na
August 19, 2004 | 12:00am
ATHENS--Nanumbalik na ang mga ngiti kay Jasmin Figueroa sa kan-yang paggising kahapon ng umaga makaraan ang ma-dramang round of 16 kabiguan sa Olympic Games at ngayon ay umaasam na makakasama sa isa pang Olympic Games.
"Okay na po ako ngayon," anang 19 anyos na si Figueroa noong Miyerkules ng umaga bago ito nagbalik sa kanyang training kasama si coach Henry Manalang. "Tapos na po akong umiyak at nakalimutan ko na rin ang pagkatalo ko. Ngayon, Im more deter-mined to work harder para makasali uli sa Olympics."
Nagpahayag ng kasiyahan sa kanyang naging performance ang 53 na taga-Tondo, na natalo sa 150-152 desisyon kay World University Games silver medalist Almudena Gallardo ng Spain makaraang gimbalin ang dating world No. 3 at record-holder na si Natalia Valeeva ng Italy, 132-130 sa round of 32.
"Im happy and what Ill always remember is my performance. Hindi ko inaasahan pero maganda ang kinalabasan," paliwanag ng sophomore student ng University of Makati.
Ang inaalala lang niya ay maaaring mawala na ang kanyang scholarship dahil tumigil ito sa pag-aaral bilang paghahanda sa Olympic Games dito. Umaasa itong matutulungan siya ni Mayor Jejo-mar Binay na makabalik sa pag-aaral.
"I have to continue my training para hindi mawala ang form ko," ani Figueroa. I also want to keep watching the other archers so I can learn a lot from them."
Bago dumating dito, si Figueroa ay ikatlo lamang sa rankings sa Pinay archers sa likuran nina Jennifer Chan at Rachel Ann Cabral.
Ngunit matapos na pumuwesto sa 27th sa Olympics, si Figueroa na ngayon ang pinakamagaling sa ating bansa. Nalagpasan ni Figueroa ang 58th place na tinapos ni Chan sa Sydney Olympics noong 2000 at 37th place ni Francisco Naran-jilla Jr. noong 1972 Munich Olympics.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended