Bitbit ang determinasyong makabawi sa 65-71 pagkatalo kontra sa dumadausdos na UPHDS Altas, target ng SSC-R Stags ang ikaapat na sunod na panalo sa alas-2:00 ng hapong pakikipagharap sa Per-petual.
Kasalukuyang kasalo ng San Sebastian ang defending champion Cole-gio de San Juan de Letran sa 7-3 record ngunit dahil pahinga ngayon ang Knights, pagkakataon ng Baste na masolo ang liderato.
Magiging mapanganib sa Stags ang labang ito dahil siguradong magpu-pursigi ang Perpetual na makabangon sa tatlong sunod na kabiguan na siyang dahilan ng kanilang pagbagsak mula sa liderato.
Sa pang-umagang aksiyon sa juniors division, maghaharap naman ang SSC-R Staglets at UPHDS Altalletes sa alas-9:30 ng umaga na susun-dan ng engkwentro ng JRU Light Bombers at PCU Baby Dolphins sa dakong alas-11:15. (CVO)