^

PSN Palaro

Figureoa umukit ng pangalan sa archery

-
Athens (Via Globe Telecom) --Namaalam si Jasmin Figueroa sa Athens Games pero nag-ukit ng pangalan bilang pinakamahusay na Pinoy archers sa nakalipas na 32 taon.

Nagmarka ng impresibong performance si Figueroa nang patalsikin niya ang women’s world No. 3, ngunit kinapos kay Almudena Gallardo ng Spain 152-150 sa round of 32 ng 70-meter 18-arrow women’s individual archery event sa makasaysayang Panathinaiko Stadium dito.

At dito nagwakas ang kagila-gilalas na husay ng 19 anyos na taga-Tondo, na wild card entry sa Olympics, makaraang gapiin ang dating world at Olympic medalist na si Natalia Valeeva.

"Nanghihinayang ako. Pakiramdam ko, kaya ko siyang talunin," sabi ni Figueroa na siya na ngayong highest ranked Filipino archer bagamat nasa kanyang ikaapat na international event lamang na nagsimula noong Vietnam Southeast Asian Games.

Sa kanyang 150 tally, si Figueroa ay ranked 27 mula sa 64 participants para lampasan ang 58th place finish ni Jennifer Chan sa 2000 Sydney Olympics at 37th ni Francisco Naranjilla Jr. noong 1972 Munich Games.

ALMUDENA GALLARDO

ATHENS GAMES

FIGUEROA

FRANCISCO NARANJILLA JR.

JASMIN FIGUEROA

JENNIFER CHAN

MUNICH GAMES

NATALIA VALEEVA

PANATHINAIKO STADIUM

SYDNEY OLYMPICS

VIA GLOBE TELECOM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with