Para sa karangalan ng ating bansa,lahat ng dapat ay kunin
August 17, 2004 | 12:00am
Isang Fil-Am swimmer na kabilang ngayon sa US swimming team ang inaasinta ng Philippine Amateur Swimming Association at Philippine Olympic Committee para lumangoy sa ating bansa sa nalalapit na pagho-host ng Pinas sa 2005 Southeast Asian Games.
Ito ay ang 22 anyos na si Nathalie Couglin, isang world record holder sa 100m backstroke.
Sa Athens Games, may apat pang Fil-Am swimmers tayong kalahok--sina Jacklyn Pangilinan, Miguel Molina, Miguel Mendoza, at JB Walsh.
Ang mga ito ay kasali din sa 2005 SEA Games at Doha, Qatar Asian Games sa 2006 naman.
Sa kasalukuyan, nakikipagnegosasyon na ang mga Filipino officials sa posibleng pagsuot ng Pambansang kulay ni Couglin na kapag pumayag ang 22 anyos ang ama ay isang Amerikano at inang Pinay, halos nakakasiguro ng tatlo hanggang apat na medalya para sa bansa.
O di ba magandang balita yun para sa pagkampanya ng bansa na makuha ang overall championship sa pagho-host natin ng SEA Games?
Sana naman walang magreklamong nasyonalista (kuno?) dahil tunay namang Pinay ang nanay nito. At isa pa para sa ating bansa ang karangalang kanilang maibibigay.
Bilib pa rin ako sa mga kamay nina Allan Caidic, Al Solis, Boy Cabahug at Roehl Gomez.
Walang kakupas-kupas ang kanilang pagiging tirador.
Maraming pang sako ng bigas na kakainin ang ilang batang basketbolista na mga kamador din naman para mapantayan nila ang pagiging sharp shooter ng apat.
Isang malaking accomplishment para sa Pinay archer na si Jasmin Figueroa ang makapasok sa round of 32 bilang first timer. Actually, ang target nga ng 19 anyos na Pinay ay malagpasan ang 58th place ni Jennifer Chan sa Sydney Olympics at nagawa na niya ito nang pumasok siya sa round of 32.
Posible pang umabot siya sa top 16 na kapag nangyari eh dapat talagang ikasiya ng ating mga kababayan.
Kasi, sa ngayon ang pinakamataas na puwesto na nakuha ng Pinoy sa archery event sa Olympics ay 37th place ni Francisco Naranjilla Jr, na kanyang itinala sa Munich Olympics noong 1972.
Ito ay ang 22 anyos na si Nathalie Couglin, isang world record holder sa 100m backstroke.
Sa Athens Games, may apat pang Fil-Am swimmers tayong kalahok--sina Jacklyn Pangilinan, Miguel Molina, Miguel Mendoza, at JB Walsh.
Ang mga ito ay kasali din sa 2005 SEA Games at Doha, Qatar Asian Games sa 2006 naman.
Sa kasalukuyan, nakikipagnegosasyon na ang mga Filipino officials sa posibleng pagsuot ng Pambansang kulay ni Couglin na kapag pumayag ang 22 anyos ang ama ay isang Amerikano at inang Pinay, halos nakakasiguro ng tatlo hanggang apat na medalya para sa bansa.
O di ba magandang balita yun para sa pagkampanya ng bansa na makuha ang overall championship sa pagho-host natin ng SEA Games?
Sana naman walang magreklamong nasyonalista (kuno?) dahil tunay namang Pinay ang nanay nito. At isa pa para sa ating bansa ang karangalang kanilang maibibigay.
Walang kakupas-kupas ang kanilang pagiging tirador.
Maraming pang sako ng bigas na kakainin ang ilang batang basketbolista na mga kamador din naman para mapantayan nila ang pagiging sharp shooter ng apat.
Posible pang umabot siya sa top 16 na kapag nangyari eh dapat talagang ikasiya ng ating mga kababayan.
Kasi, sa ngayon ang pinakamataas na puwesto na nakuha ng Pinoy sa archery event sa Olympics ay 37th place ni Francisco Naranjilla Jr, na kanyang itinala sa Munich Olympics noong 1972.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended