Pinoy jins dumating na sa Athens
August 17, 2004 | 12:00am
ATHENS--Dumating na kahapon ang tatlong pambato ng Pilipinas sa taekwondo, pagod at hindi mapalagay na agad sumabak sa aksiyon dito sa 28th Olympics Games.
Pumasok ng Olympic Village sina Sydney Olympian Donald David Geisler, Tshomlee Go at Mary Antoinette Rivero ganap na alas-8:30 ng umaga kasama ang kanilang coach na si Jesus Morales III at foreign mentor Kim Tae Hyung ng Korea.
"They are better prepared, physically and mentally now than in Sydney (Olympics) four years ago," patungkol ni Morales sa kanyang mga bata. "Theyre confident and excited."
Ayon kay Morales, inaasahan ni Philippine Taekwondo Association vice-president at training director Hong Sung Chon, na nakatakdang dumating sa Agosto 23, na makakapasok sa medal bouts ang tatlo.
"They have longer preparations this time and more international exposures," paliwanag ni Morales. They also trained for more than two months in Korea."
Ang kanilang Korean coach, ayon kay Morales ay malaki ang naitulong sa team. "Hes very strict and he pushed them to the limits," patungkol pa ni Morales kay Kim.
Ang 23 anyos na si Go, na nakatuntong sa Olympics makaraang pumasa sa world qualifying event sa Paris, ay nakatakdang lumaban sa Agosto 26 habang sina Geisler, 26 anyos at Rivero 16 anyos ay sa Agosto 28.
Magbabalik-training ang tatlo sa Martes. "We are now tapering. Well just polish their skills and try to keep them in top condition," dagdag ni Morales.
Magkakaroon ng road work ang mga Pinoy jins at ipagpapatuloy ang weight program sa umaaga bilang bahagi ng kanilang pagpapalakas at pag-aaral sa mga tekniks sa hapon.
"Were lucky that all of them have managed to stay healthy despite their rigorous training in Manila just before we left," dagdag pa ni Morales na naging bahagi din ng coaching staff sa Sydney Games.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended