Italian archer pinalaso ni Figueroa
August 17, 2004 | 12:00am
ATHENS-- Umiskor ng nakakagimbal na tagumpay ang Pinay archer na si Jasmin Figueroa kontra sa pinapaborang Italian na si Natalia Valeeva, 132 points kontra sa 130 noong Linggo ng gabi sa 28th Olympic Games competition sa Panathainiko Stadium dito.
Ang 19 anyos na si Figueroa, na pumalaso lamang ng 600 points noong Huwebes at tumapos na pang-56th sa 64-woman field, ay may isang bullseye lamang at isang 10 ngunit naging sapat para talunin ang Italian na minsay naging world No. 2 archer na pangsiyam na may 650.
"Tuwang-tuwa ako," anang 53 na si Figueroa na umusad sa top 32 at magaan na nalagpasan ang kanyang mithiing 58th place na tinapos ng kanyang sinundan na si Jennifer Chan, sa Sydney Olympics may apat na taon na ang nakalilipas.
Malakas ang hangin ngunit napanatili ni Figueroa ang kontrol ng kanyang tira upang magwagi bagamat nagmintis pa ito sa kanyang ikaapat na pagtatangka.
Walang pagsidlan ng kagalakan ang kanyang coach na si Henry Manalang. Paulit-ulit niyang sinasabi kay Figueroa na maging pokado at hawak ang kontrol at laging ipinaaalala na like in bas-ketball, walang nakakasiguro sa laban kahit gaano kagaling ng opponent mo."
Matapos maiwan sa 21-22 sa first end, naungusan ng Pinay ang Italian 23-18 sa second end at mangibabaw sa 44-40. Mula dito kinontrol na niya ang laban hanggang matapos.
"Masyadong tense ako kasi first time kong na-experience ang ganitong laban," paliwanag ni Figueroa.
Hindi tulad ng mga nakaraang Olympics kung saan ang lahat ng 64 archers ay sabay-sabay na tutudla sa 32 pares, tanging dalawang pares lamang ngayon ang nilalaro. Mula sa warmup area kung saan ang archers ay dinala ng van sa tunnel kung saan naglalakad na lamang patungo sa gitna kapag natawag ang kanilang pangalan.
Nakatakdang makalaban ni Figueroa ang isa pang world-rated archer na si Almudena Gallardo ng Spain ngayong alas-11:15 ng umaga, Martes.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended