^

PSN Palaro

TRIGGERMAN ALLAN

FREE THROWS - AC Zaldivar -
PUWEDE pa talaga itong si Allan Caidic, e!

Biruin mong 18 three-point shots ang kanyang pinakawalan upang talunin ng mga old timers ang mga batang shooters ng liga sa special shootout na PBA All-Star Week.

Sa tutoo lang, bata pa naman talaga si Allan at kung hindi lang siya kinuha ng Red Bull Barako sa expansion Draft ng 2000 ay baka naglalaro pa rin siya sa Barangay Ginebra hanggang ngayon. Baka sinundan niya ang yapak ni Senator Robert Jaworski, Sr. at naging playing coach din siya.

Pero sumablay sa sugal ang Ginebra noon dahil sa inilagay nila sa unprotected list si Caidic at nasungkit nga siya ng Barakos. Dahil sa hindi naman siya puwedeng maglaro sa Red Bull na siyang may hawak sa kanyang rights, minabuti niyang magretiro at mag-concentrate sa pagko-coach sa Gin Kings.

Sayang!

Kumbaga, sa puntong iyon ay tinanggap na ni Caidic ang kanyang bagong responsibilidad bagamat puwede pa nga siyang maglaro. Nagretiro siya sa kabila ng pangyayaring marami ang naniniwalang pwede pa siyang pakinabangan sa hardcourt.

Hindi nga ba’t noong 1998 ay naisama pa siya sa Bangkok Asian Games at kinatakutan pa siya ng mga Asyanong kilala ang kanyang reputasyon. Siguro, kung hindi siya nagretiro, baka napabilang pa siya sa RP Team noong 2002 sa Busan hindi bilang miyembro ng coaching staff kung di bilang manlalaro. Yun naman ang kailangan ng RP Team, e.

Masyado kasing nagko-concentrate sa paglipad ang mga manlalaro ngayon at nakakalimutan na ang sweet science ng outside shooting. E, doon naman tayo kinakana ng mga Koreano na siyang nagkampeon sa basketball event sa Busan kung saan tinalo nila ang pinapaborang China.

Aba’y kung kaya pa ni Caidic na talunin ang mga batang manlalaro ng PBA, ibig sabihin ay kaya pa niyang maglaro sa PBA. Magiging asset pa rin siya ng kahit na anong koponan.

Pero hindi nga siya puwedeng maglaro sa Barangay Ginebra dahil Red Bull ang may hawak ng kanyang rights. Siguro ay puwede na siyang bitiwan ng Barakos tutal limang taon na ang nakalilipas. At kung sakaling mangyari ito, puwedeng maglaro ng isang game si Caidic sa Ginebra bago pormal na iretiro ang kanyang numero.

Ay magiging historic din iyon.

Kasi nga, si Caidic ay magiging playing-manager. Wala pang gu-magawa nun sa PBA, a. Playing coach si Jawo, e.

Si Caidic na ngayon ang manager ng Gin Kings at si Bethune Tanquingcen ang siyang head coach. Ang palitan ay naganap limang games matapos magsimula ang nakaraang Gran Matador-PBA Fiesta Conference. Naigiya ni Tanquingcen sa kampeonato ang Barangay Ginebra subalit sinabi nito na si Caidic pa rin ang siyang arkitekto ng tagumpay.

Sana nga ay maglaro muli si Caidic. One last game nga!

ALL-STAR WEEK

ALLAN CAIDIC

BANGKOK ASIAN GAMES

BARAKOS

BARANGAY GINEBRA

BETHUNE TANQUINGCEN

CAIDIC

GIN KINGS

RED BULL

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with