Si Reli, na pumangalawa sa likuran ni Bowen Montecillo sa Cebu City leg noong nakaraang taon ay nakaganti sa karera kahapon.
Si Montecillo ay inoperahan sa appendisities noong nakaraang taon at nagbalik pagsasanay lamang may dalawang buwan pa lamang ang nakalilipas.
Naorasan si Reli ng isang oras, 7 minutes at 14 seconds habang makalipas ang 48 segundo ay dumating naman si Montecillo. Ikatlo naman si Jopel Penales na may oras na 1:08:48.
Inangkin naman ni Sevilleno ang kanyang ikatlong sunod na leg title sa bilis na 1:26:11.
Pumangalawa naman si Leszl Gitaruelas 1:30:42 at ikatlo si Sharon Vega 1:30:57.
Mismong si Cebu City Mayor Tommy Osmeña ang nagpaputok ng starting gun sa may 17,854 runners sa event na ito na idinadaos sa pakikipagtulungan ng Bayview Park Hotel-Manila, Adidas, Globe Handyphone, Cebu Pacific at Department of Tourism.
Samantala, ang top three finishers sa 5K fun run ay sina Joseph Codino (18:38), Mendel Lopez (18:45) at Gilbert Duterte (19:04) sa mens division at Jade Marie Recto (21:43), Joeyry Anne Lee (23:24) at Mary Rose Arman (23:23) sa womens.
Ang mga nagwagi naman sa 3K kiddies ay sina Prince Joey Lee at Jenifer Montero sa 6-9 age-group category at Pete Armand Mabalato at Maria Fe Sabanal sa 10-12.