^

PSN Palaro

Reli, Sevilleno sa Cebu City leg

-
Dinomina nina Rogelio Reli at Christy Sevilleno ang Central Visayas elimination race ng 28th National Milo Marathon sa Cebu Business Park, Cebu City.

Si Reli, na pumangalawa sa likuran ni Bowen Montecillo sa Cebu City leg noong nakaraang taon ay nakaganti sa karera kahapon.

Si Montecillo ay inoperahan sa appendisities noong nakaraang taon at nagbalik pagsasanay lamang may dalawang buwan pa lamang ang nakalilipas.

Naorasan si Reli ng isang oras, 7 minutes at 14 seconds habang makalipas ang 48 segundo ay dumating naman si Montecillo. Ikatlo naman si Jopel Penales na may oras na 1:08:48.

Inangkin naman ni Sevilleno ang kanyang ikatlong sunod na leg title sa bilis na 1:26:11.

Pumangalawa naman si Leszl Gitaruelas 1:30:42 at ikatlo si Sharon Vega 1:30:57.

Mismong si Cebu City Mayor Tommy Osmeña ang nagpaputok ng starting gun sa may 17,854 runners sa event na ito na idinadaos sa pakikipagtulungan ng Bayview Park Hotel-Manila, Adidas, Globe Handyphone, Cebu Pacific at Department of Tourism.

Samantala, ang top three finishers sa 5K fun run ay sina Joseph Codino (18:38), Mendel Lopez (18:45) at Gilbert Duterte (19:04) sa men’s division at Jade Marie Recto (21:43), Joeyry Anne Lee (23:24) at Mary Rose Arman (23:23) sa women’s.

Ang mga nagwagi naman sa 3K kiddies ay sina Prince Joey Lee at Jenifer Montero sa 6-9 age-group category at Pete Armand Mabalato at Maria Fe Sabanal sa 10-12.

BAYVIEW PARK HOTEL-MANILA

BOWEN MONTECILLO

CEBU BUSINESS PARK

CEBU CITY

CEBU CITY MAYOR TOMMY OSME

CEBU PACIFIC

CENTRAL VISAYAS

CHRISTY SEVILLENO

DEPARTMENT OF TOURISM

GILBERT DUTERTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with