Naorasan ang 18-anyos na New Jersey-based splasher sa bilis na isang minuto at 12.47 segundo para burahin ang 1:12.82 mark na naiposte niya sa kaagahan ng taong ito sa Manila ngunit hindi niya naabot ang kanyang personal best na 1:11.7.
Nagtapos si Pangilinan bilang 31st mula sa 47 manlalangoy ngunit tinalo nito ang apat na Asians na kinabibilangan ng mapanganib na Southeast Asian rivals na sina Nicolette Teo ng Singapore na ika-33rd at Siow Yi Ting ng Malaysia na ika-36th.
"Were happy with her performance," wika ni PASA secgen Chito Rivera sa unang Olympic stint ni Pangilinan. "Thats a good sign. Thats going to boost our chances in the next years Southeast Asian Games."
Ang isa pang Pinoy swimmer na lumaban kahapon na si Miguel Molina ay naorasan sa bilis na 1:53.81 sa 200m freestyle na tumapos bilang 42nd mula sa 59-man field.
"I wasnt happy with my swim," wika ng 510 at 20-gulang na si Molina. "I had a good 150 but in the last 50, I couldnt swing my arm although I was still kicking."
Gayunpaman, naunahan nito si Zhang Lin ng China, Chen Te Tung ng Chinese Taipei at Mark Chay ng Singapore.
Kasama ng 5-foot-7 na si Pangilinan ang kanyang American coach na si Ilan Noach, dating All-American, na nagsabing ang target ng kanyang alaga sa kanyang unang Olympic stint ay ma-break ang kanyang personal best times sa 100 at 200m breaststroke na 1:11.7 at 2:34.0 ayon sa pagkakasunod.
Tumira naman si Jethro Dionisio ng 24 at 18 points sa kanyang huling dalawang targets para tapusin ang kanyang trap qualification event bilang ika-32nd. Nag-tally ito ng 24, 20 sa 75 targets noong Sabado.
"Kulang pa sa exposure," ani Dionisio na may best score na 117 sa 125 targets. I have to practice harder and compete in more international events."
Tanging ang Fil-Am swimmer na si James Barnard Walsh lamang ang sasabak sa 16 Pinoy athletes na kumatawan ng bansa sa quadrennial meet na ito ngunit 14 na lamang ang natitira sa pagkaka-eliminate nina boxer Chris Camat at swimmer Timmy Chua.
Lalangoy si Walsh sa 200m butterfly trials na magsisimula sa ala-10:00 ng umaga.
Tatlo pang RP bets na sina taekwondo jins Donald David Geisler III, Mary Antoinette Rivero at Tshomlee Go ang nakatakdang dumating dito ngayon mula sa Philippines.