Meneses vs Duremdes sa PBA All-Star ngayon
August 15, 2004 | 12:00am
Noong nakaraang taon, magkasangga sina Kenneth Duremdes at Vergel Meneses sa paghahatid sa Governors Selection sa panalo kontra sa Commissioners squad.
Sa All-Star game na nakatakda ngayong alas-6 ng gabi sa Cebu City Coliseum, nais ng dalawa na muling maging bayani ngunit hiwalay nilang gagawin ito para sa magkaibang koponan.
Si Meneses, ang FedEx star na nakatakdang magsuot ng Red Bull jersey sa pagsisimula ng regular season sa October ang babandera para sa North squad na mamanduhan ni Barako coach Yeng Guiao, habang si Duremdes naman ay maglalaro para sa host south team na iko-coach ni Joel Banal ng Talk N text.
Naging bayani si Duremdes sa 124-122 panalo ng Governors squad kontra sa Commissioners noong nakaraang taon matapos ang kanyang buzzer beating high looper, ngunit ang gabi ay para kay Meneses na siyang tinanghal na Most Valuable Player ng All -Star Game.
Tangka ni Meneses ang ikalimang All-Star MVP trophy at maka-katulong nito sina Rommel Adducul, rookie Rich Alvarez, Olsen Racela at Paul Artadi bilang mga starters bukod kina Willie Miller, Mark Caguioa, Rudy Hatfield, Davonn Harp, Ali Peek, Jeffrey Cariaso at Enrico Villa-nueva na pumalit sa injured na si Dennis Espino na bumubuo ng North squad.
Bukod kay Duremdes, na humalili sa top-vote getter na si Danny Seigle na nagpapagaling pa ng injury, kasama nito sa South team sina Erik Menk, Asi Taulava, Jimmy Alapag, James Yap, Junthy Valenzuela, Dondon Hontiveros, Joachim Thoss, Ronald Tubid, John Ferriols, Jun Limpot at Dale Singson na tiyak na papaboran ng Cebuano fans.
Mauuna rito, gaganapin din ngayon ang finals ng skills competition at Rob Johnson sa Obstacle gayundin ang bagong event na trick shot.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended