Hiniling ng Pangulo sa 16 atletang Pilipino na kalahok sa naturang paligsahan na ipamalas nila ang buong kakayahan hindi lang para sa bansa kundi para rin sa kanilang mga sarili.
"Iparating ninyo ang pakikipagkaibigan at kabutihan sa Olympics, iparating sa puso ng inyong mga katung-gali ang hangaring ito para mabigyang pangalan at dangal ang ating bayan," anang Pangulo sa kanyang mensahe.
Sinabi ng Pangulo na kung paano magpapakitang gilas ang mga atleta sa abot ng kanilang makakaya ang higit na mahalaga kundi man sila magwagi.
"Mga kababayan, ipinagmamalaki ko kayo at inaa-sahan ko ang pagwawagi na maitatala ninyo sa Olym-piyada," wika ng Pangulo sa kanyang mensahe.
"Hindi pagkapanalo ang mahalaga kundi ang larong ipinaglaban nang husto. Taglay ninyo ang kahusayan ng mga Pilipino na nasa ibat ibang panig ng daigdig upang maghanap ng mga oportunidad. Dapat kayong magpakatatag taglay ang layunin ng isang bansang nagmamalasakit na humarap sa pagsubok," ani pa ng Pangulo. (Ulat Ni Lilia Tolentino)