^

PSN Palaro

PGMA nagbigay ng inspirasyon sa 16 na Pinoy

-
Binigyang inspirasyon ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang delegasyong Pilipino sa Athens Olympics na nagbukas kahapon sa Greece.

Hiniling ng Pangulo sa 16 atletang Pilipino na kalahok sa naturang paligsahan na ipamalas nila ang buong kakayahan hindi lang para sa bansa kundi para rin sa kanilang mga sarili.

"Iparating ninyo ang pakikipagkaibigan at kabutihan sa Olympics, iparating sa puso ng inyong mga katung-gali ang hangaring ito para mabigyang pangalan at dangal ang ating bayan," anang Pangulo sa kanyang mensahe.

Sinabi ng Pangulo na kung paano magpapakitang gilas ang mga atleta sa abot ng kanilang makakaya ang higit na mahalaga kundi man sila magwagi.

"Mga kababayan, ipinagmamalaki ko kayo at inaa-sahan ko ang pagwawagi na maitatala ninyo sa Olym-piyada," wika ng Pangulo sa kanyang mensahe.

"Hindi pagkapanalo ang mahalaga kundi ang larong ipinaglaban nang husto. Taglay ninyo ang kahusayan ng mga Pilipino na nasa iba’t ibang panig ng daigdig upang maghanap ng mga oportunidad. Dapat kayong magpakatatag taglay ang layunin ng isang bansang nagmamalasakit na humarap sa pagsubok," ani pa ng Pangulo. (Ulat Ni Lilia Tolentino)

ATHENS OLYMPICS

BINIGYANG

DAPAT

HINILING

IPARATING

PANGULO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO

PILIPINO

ULAT NI LILIA TOLENTINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with