^

PSN Palaro

Athens Olympic Games: Figueroa hindi na kinakabahan

-
ATHENS, Greece-"I don’t feel tenses and nervous anymore and I’m ready."

Ito ang paglalarawan ni Jasmin Figueroa sa kanyang nararamdaman noong Sabado sa kanyang paghahanda para sa nakatakdang pakiki-paglaban sa dating world No. 3 na si Natalia Valdeva ng Italy sa round of 32 match ngayong alas-5:18 ng hapon sa Panathinaiko Stadium dito.

Si Figueroa at ang Italyana ay umasinta ng 18 arrows kung saan itinala ng RP bet ang kanyang best score na 156. Si Figueroa ay nag-poste ng 600 points upang tumapos ng 56th place sa ranking round, habang ang kanyang kalaban ay kumubra ng 650 puntos para sa ikasiyam na puwesto.

Taliwas sa mga nakaraang Olympic Games competition, ang match play format ngayon dito ay kakaiba at sa halip na sama-samang maglaban-laban, tanging dalawang pares lamang ng archers ang siyang papana bago papalaso ang kasunod mula sa 70 metro.

"This will definitely put a lot of pressure on the archers," wika ni coach Henry Manalang. "Pero I have reminded Jasmin several times na huwag isipin ito. Baka ma-rattle lang siya. I think she has learned a lesson from her ranking competition last Thursday."

Mula sa warm up field, ang mga archers ay dadalhin ng van sa tunnel kung saan sila ay lalabas para sumabak kapag ang kani-kanilang pangalan ay tinawag na.

"Ma-drama pero nakakakaba kung mahina ang dibdib mo," wika pa ni Manalang. "This is the first time this is going to happen in an international event."

Tangka ni Figueroa na malampasan ang 58th na pagtatapos ni Jennifer Chan sa Sydney Olympics apat na taon na ang nakakaraan.

HENRY MANALANG

JASMIN FIGUEROA

JENNIFER CHAN

NATALIA VALDEVA

OLYMPIC GAMES

PANATHINAIKO STADIUM

PERO I

SI FIGUEROA

SYDNEY OLYMPICS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with