8th Genova Individual International Open Chess: Paragua umakyat
August 14, 2004 | 12:00am
Gamit ang mga puting piyesa, sinamantala ng Filipino International Master na si Mark Paragua ang FIDE Master na si Folco Ferreti ng Italy upang tumalon mula sa ikatlong posisyon kasama ang tatlong iba pang woodpushers sa pagtatapos ng fourth round ng 8th Genova Individual International Open Chess Championships kahapon na idinadaos sa Genova, Italy.
Bunga ng kanyang panalo, nakalikom na ang 20-anyos na si Paragua ng kabuuang 3.5 puntos upang makatabla sina GM Miroljub Lazic ng Yugoslavia, IM Ramon Mateo ng Dominican Republic at kababayang IM Ronald Bancod na nanalo kontra naman kay IM Milan MRDJA ng Croatia.
Sa kabilang banda na-man, ginapi ng 2001 edition champion GM Erald Dervishi ng Albania ang Pinoy IM na si Yves Rañola, habang pini-sak naman ng IM na si Nikita Mairorov ng Belarus ang Aleman FIDE Master na si Christopher Wisnewski upang umiskor ng malinis na 4 puntos na nagdala sa kanila sa pangunguna.
Bunga ng pagkatalo, napako naman sina Rañola at Wisnewski mula sa 7th hanggang 21st place kasama sina IM Joseph Sanchez, NM Rolando Nolte, NM Rolly Martinez at Roland Salvador ng Philippines, top seed GM Michele Godena, IM Mario Lanzani, FM Daniele Genocchio, FM Flavio Guido at Roberto Griffa ng Italy, GM Stefan Djuric at IM Zivojin Ljubisavljevic ng Yugoslavia, FM Christopher Schinkowski at Kai Kluss ng Germany at Fernando De Andres Gona-lons ng Spain matapos na makalikom ng tig-3 puntos.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest