^

PSN Palaro

Paghahanap sa mailap na Olympic gold simula na

-
Athens ( via Globe Telecom)--Itinakda sa majestic setting ng isang kasaysayan, ang palaro ng modernong panahon ay nagbalik sa pinanggalingan ng mahigit 100 taon ang nakalipas, sa pagbubukas ng 28th Olympiad sa state-of-the-art Olympic Stadium.

At para sa matatapang na grupo ng 16 na atletang Pinoy, ang katanu-ngan ay kung kayang wakasan ang paghahanap sa mahalagang gin-tong medalya matapos ang 80 taong pakikibaka o muling uuwing luhaan at maghintay uli ng apat na taon?

Ang bansa ay may siyam na medalyang maipapakita, at ikalawa sa ibang bansa na hindi pa rin nakakatikim ng gintong medalya at sa susunod na tatlong linggo, muling tatangkain ng atletang Pinoy na makamit ang mailap na pangarap sa Olimpiyada.

Ang mga Pinoy ay kabilang sa mahigit 10,000 atleta mula sa 202 bansa na sasabak sa aksiyon, bagamat naantala ang ilang konstruk-siyon at banta ng terorismo.

"For 80 years, we have not won an Olympic gold. With the Lord’s grace, we might finally have the opportunity to end our quest here," ani Philippine Olympic Committee president Celso Dayrit.

Sa kasalukuyan, ang bansa ay may dalawang silvers at pitong bronze na napagwagian, sapul nang unang lumahok ang bansa na kinatawan ni trackster David Nepomuceno noong 1924 Games sa Paris. Sa nakalipas na 12 taon mula 1986 sa Seoul hanggang sa centennial games sa Atlanta noong 1996, ang Pinoy ay nasabitan ng medalya mula sa tatlong magigitng na boksingero ngunit binokya sa Sydney Games may apat na taon na ang nakalipas.

"Eighty-four million Filipinos are praying for you, don’t fail them. You may yet the performance of your lives in these competitions," pahayag ni Dayrit sa mga atleta sa bisperas ng ‘ greatest show on earth.’ (Ulat ni Lito A. Tacujan)

vuukle comment

CELSO DAYRIT

DAVID NEPOMUCENO

DAYRIT

GLOBE TELECOM

LITO A

OLYMPIC STADIUM

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PINOY

SYDNEY GAMES

WITH THE LORD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with