Sasabak ang 19-anyos na si Figueroa, na nakatuntong sa top 25 sa katatapos pa lamang na Universiade Games sa Madrid, Spain sa ranking round na magsisimula sa alas-9 ng umaga.
Ang double 70-round event ay binubuo ng 72 arrows, na ang naturang kompetisyon ang siyang magdedetermina sa pair-ings para sa 64-man Olympic Round na nakatakda sa August 15 sa Panathinaiko Stadium.
Naging maganda ang average na tinudla ni Figue-roa na aabot sa 314 puntos sa kanyang ensayo mula ng dumating dito noong nakaraang Sabado at umaaasa siya na mananatili siya sa course maliban lamang kung lumakas ang hangin.
"Bumabagal ako pag lumakas ang hangin," wika ni Figueroa. "Medyo apektado dahil kailangan mag-shoot ng six arrows every four minutes."