^

PSN Palaro

Athens Olympics pinakamagastos

-
Ito na ang pinakamalaking gastos ng isang bansa para sa seguridad ng Olympic Games.

"This is the Olympic Games that would have the most or heaviest security arrangements being prepared," sabi ni Philippines Olympic Committee (POC) president Celso Dayrit sa seguridad na gagawin sa 2004 Athens Games. "More than $1.2 billion has been spent for security, not to mention the additional measures being taken by the individual delegations."

Ang naturang paghihigpit sa seguridad ng Athens Olympics Organi-zing Committee ay bunga na rin ng sinasabing paglaganap ng terorismo sa kasagsagan ng kompetisyon.

Bukod sa mga security personnel at forces, nakakuha na rin ng tulong ang Athens sa mga kaalyadong bansa para sa gagamiting sensors.

"Maraming mga situwasyon na kailangang maintindihan rin ng mga tao na kapag medyo mahigpit ang pagpasok sa mga stadium, mahigpit ang pagpasok sa Olympic Village. We should all understand that," ani Dayrit.

Naniniwala si Dayrit na walang masamang mangyayari sa 16-man delegation na ilalaban ng bansa sa Athens Games.

Ang mga ito ay sina taekwondo jins Donald Geisler, Tshomlee Go at Maria Antonette Rivero, boxers Romeo Brin, Violito Payla, Harry Tanamor at Christopher Camat, swimmers Timmy Chua, Miguel Mendoza, Miguel Molina, James Bernard Walsh at Jaclyn Pangilinan, tracksters Lerma Bulauitan-Gabito at Edurado Buenavista, trap shooter Jethro Dionisio at archer Jasmine Figueroa.

vuukle comment

ATHENS GAMES

ATHENS OLYMPICS ORGANI

CELSO DAYRIT

CHRISTOPHER CAMAT

DAYRIT

DONALD GEISLER

EDURADO BUENAVISTA

HARRY TANAMOR

JACLYN PANGILINAN

OLYMPIC GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with