Maging Olympian ang pangrap ni Dionisio
August 11, 2004 | 12:00am
ATHENS--Sa edad na 17, naging world champion ang shooter na si Jethro Dionisio. Makaraan ang 16-taon, nagtala na ito ng lima pang word speed shooting titles. At wala ng iba pang maitatanong para sa tsinitong atleta na may taas na 5-foot-7 1/2. At siya ang pinakamahusay na bumaril sa kanyang division, ang man-to-beat sa bawat labanan.
Matapos niyang pangunahan ang Philippines sa pagbaril ng team gold sa nakaraang 1999 World Speed Shooting Championship na ginanap sa Cebu City, nagdesisyon si Dionisio na talikuran ang kanyang event at lumipat sa trap shooting.
Marami ang nasorpresa at naguluhan sa kanyang ginawa, ngunit determinado si Jet, tawag sa kanya ng ilang mga kaibigan na ipursige ang kanyang pangarap na kailanman ay hindi niya napag-isipan na maging sa speed o pratical pistol event dahil sa hindi ito, nire-recognized ng World Shooting Federation na ang kanyang pangarap na maging Olympian sa hinaharap.
"Maraming nagulat, pero marami rin ang di nakakaalam kung bakit ginawa ko yun," wika ni Jet.
Isinuko ng 23-anyos na si Dionisio ang speed shooting para sa trap noong 2000. Makaraan ang isang taong pagsisikap, nakakita siya ng positibong senyales. nakapasok siya sa RP team sa Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, kung saan nakopo niya ang dalawang silver medals, isa sa individual at team competition.
Taong 2002, muling sumungkit si Jet ng individual silver sa Asian Clay Shooting Championship. Ilang buwan lang ang nakalipas, panibagong bronze medal naman ang kanyang isinubi at nakisalo sa team bronze sa Busan Asian Games.
At noong nakaraang taong Vietnam SEA Games, nagwagi sina Dionisio kasama ang kapwa niya shooters na sina Eric Ang at Jimmy Recio ng ginto para sa bansa.
Ang paglipat ni Jet sa nasabing event ay hindi madali. "You fire at still targets in practical pistol, but you shoot moving (clay) targets in trap," paliwanag ng coach ni Jet na si Ramon Jose Corral, na isa ring one-time pistol shooter gaya ni Dionisio.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended