^

PSN Palaro

Pormal na tatanggapin ang Philippines ngayon

-
ATHENS--Pormal na tatanggapin ang Philippines sa 28th Olympic Games ngayon sa 30-minute flag-raising ceremony sa International Zone ng Athletes Village dito.

Maliban doon sa mga hindi pa nakakarating dito, lahat ng 34-man RP delegation, na pinamumunuan ni Chef de Mission Steve Hontiveros, ay dadalo sa seremonyas na suot ang track suits. Ang grupo ay maaring mag-imbita ng 30 panauhin at bibigyan ng special passes.

Ang seremonyas ay nakatakda sa ganap na alas-6 ng gabi.

Samantala, dumating na dito sina long jump specialist Lerma Bulauitan-Gabito at ang kanyang coach na si coach Joseph Sy, noong Lunes ng umaga mula sa Manila pero hindi kasama si Eduardo Buenavista na nagdesisyong idelay ang kanyang biyahe.

"He’s coming only on August 20," paliwanag ni Sy. "Mas gusto niyang mag-train sa atin."

Ang 4-foot-11 na si Buenavista ay kasali sa marathon na nakatakda sa Agosto 29 , ang huling araw ng 28th Olympic Games.

"We had a smooth flight," ani Buluaitan. "Pahinga lang muna ako ngayon and then umpisa na ng workout bukas."

Inaasahan ni Bulauitan na mai-improve niya ang kanyang personal best na 6.56M na mas mataas sa 6.52M na Southeast Asian Games record na hawak ni Elma Muros Posadas.

"The weather is not going to be a problem. Mukhang mas mainit pa sa atin. Sana, I can be in top condition when I compete," dagdag pa ni Bulauitan.

vuukle comment

ATHLETES VILLAGE

BULAUITAN

EDUARDO BUENAVISTA

ELMA MUROS POSADAS

INTERNATIONAL ZONE

JOSEPH SY

LERMA BULAUITAN-GABITO

MISSION STEVE HONTIVEROS

OLYMPIC GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with