Basketball Games sa Olympics hihintayin

Sa Agosto 13 simula na ang Olympic Games sa Athens, Greece.

Bago ang aktuwal na Olympics maraming sinalihang practice game o training games ang mga athletes.

At hindi naiiba dito ang US basketball team.

Di ba’t nagkaroon ng exhibition matches na bahagi ng kanilang training ang American team?

Katunayan, sa mga nasabing exhibition games ng US cagers, marami dito ang hindi maganda ang resulta.

Pero ayon sa ilang obserbasyon, kaya ganun ang laro ng US Team dahil exhibition games lang naman. Baka nga naman mabasa agad ang kanilang laro.

O well, tingnan na lang natin sa pagsisimula ng basketball events ng Olympics.
* * *
Mapapanood na rin ng ating mga kababayan ang Athens Olympic Games makaraang bayaran ng government ang kanilang pagkaka-utang sa International Olympic Committee. Maraming Pinoy ang nagnanais na masaksihan kahit man lang sa telebisyon ang magiging performance ng ating mga atleta.

Okay lang ‘yun kaya lang napakalaking pera naman yata ang ginugol para lamang sa TV rights dito sa Athens Games.

Sa ngayon na naghihikahos ang Pilipinas, parang can’t afford tayo na gumastos ng milyun-milyon para lang sa Olympic Game coverage.

Sana naman maging worth ang halagang gagastusin ng NBN-4 para sa coverage na ito.

Anong sey n’yo?
* * *
Hindi ito sports pero, kabilang ang lahat ng sports personalities sa problemang ito.

Lagi ba kayong nawawalan nananakawan, o nasisiraan ng cellphones? Pwes hindi na dapat mag-alala dahil ngayon puwede na ninyong ipa-insured ang inyong cellphone sa eStandard Insurance sa kanilang napapanahon na produktong tinaguriang "Txt2Protect", ang unang cellphone insurance sa Southeast Asia.

Ang produkto ay maaring malaman sa pamamagitan ng text message. Para malaman kung magkano ang halaga ng insurance sa inyong i-insured na cellphones mag-text sa pamamagitan ng i-type lang INSURE <space> BRAND <space> MODEL at ipadala sa 211 para sa Smart/Talk &Text at 2333 sa Globe/Touch Mobile. Dalhin ang inyong cellphones at magbayad ng premium sa kahit anong branch ng Metrobank o Equitable PCI Bank.

So hala, inquire na kayo at gets n’yo na ng insurance ang inyong cellphone para hindi na ma-mroblema kapag nanakaw, naiwan sa taxi, jeep, na-snatch o masira man ang inyong cellphone.

Show comments