^

PSN Palaro

Negosasyon ng Red Bull kay Meneses malapit ng maayos

-
Malaki ang tsansang muling magkasama sina Red Bull coach Yeng Guiao at ang kanyang bata na si Vergel Meneses sa nilulutong trade sa pagitan ng tinaguriang "Aerial Voyager" ng FedEx at Homer Se ng Barakos.

Sa pakikipanayam kay Red Bull coach Yeng Guiao, sinabi nito na totoong nakipagnegosasyon na sila sa posibleng pagkuha kay Meneses.

"Hangga’t maaari, kung pwedeng makuha si Meneses nang mananatili sa amin si Homer (Se) ay mas gusto ko," ani Guiao, nahalal na Vice-Governor ng Pampanga at napiling coach sa All-Star Games na gaganapin sa Cebu City sa Agosto 15.

Gayunpaman, inamin din ni Guiao na sa kasalukuyan, hindi pa napa-finalize ang negosasyon sa pagitan ng Red Bull management at FedEx Express.

"Siguro, after the All-Star Games, may mangyayari na sa negosasyon. But as of now wala pa talaga," pagdidiin ni Guiao.

"Marami pa kasing dapat asikasuhin ngayon lalo na’t kabilang si Meneses sa All-Star Games." dagdag pa niya. "Pero hangga’t maaari ayoko ring ipamigay si Homer. Kasi lahat ng team kailangan ng big men. Kaya ‘yon rin marahil ang gusto ng FedEx."

Samantala, hindi na irerenew ng Red Bull ang kontrata ni Nelson Asaytono na mapapaso ng Dis-yembre. Malamang na hindi na rin makasama sa lineup sa pagbubukas ng liga si Asaytono sa Oktubre.

AERIAL VOYAGER

ALL-STAR GAMES

CEBU CITY

GUIAO

HOMER SE

MENESES

NELSON ASAYTONO

RED BULL

VERGEL MENESES

YENG GUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with