^

PSN Palaro

Figueroa,kinakabahan pero handa na at determinado

-
ATHENS--Kinakabahan ang batang Pinoy archer na si Jasmin Figueroa ngunit handa ito at determinadong ma-improved at mahi-gitan ang performance ng beteranang si Jennifer Chan may apat na taon na ang nakalipas sa Sydney, Australia.

Ang 19 anyos na estudyante ng University of Makati ay maganda ang ensayo noong Linggo ng umaga sa Dekelia Complex na malapit sa Olympic Village dito ngunit kailangan pang pagandahin pa sa Huwebes (Agosto 12) sa kanyang paglahok sa ranking round upang maging una sa 16 na Pinoy na lalaro sa Athens Olympic Games.

Ang ika-28th edisyon ng Olympiad ay magbubukas sa Biyernes, Agosto 13, ngunit ayaw ni Figueroa na ma-pressure ang sarili dahil siya ang magpapasimula ng kampanya ng Pilipinas.

‘Medyo tense ako dahil first time ko sa Olympics," anang 5’3 Physical Education sophomore na si Figueroa. "Pero pagkatapos ng ensayo kanina, naging confident ako that I can improve my best scores."

Tumudla ng 314 puntos mula sa 70 meters ang Pinay bagamat malakas ang hangin sa Dekelia field. "I think I can do better on Thursday at Panathinaiko Stadium," aniya.

Layunin ni Figueroa na mahigitan ang tinapos ni Chan, na rank 58th sa 64-man field noong Sydney Olympics. "If I make around 632 (in double 70), malamang nasa top 32 ako," dagdag ni Figueroa.

Nagsanay na rin si trap shooter Jethro Dionisio noong Linggo ng umaga sa Markopoulo Olympic Shooting Center, na may 42 kilometrong layo sa Village, at masaya rin sa kanyang praktis.

"Maganda ang putok ko," ani Dionisio, nang bumalik sa Village ng hapon.

Bukod sa dalawa, nagpraktis na rin si swimmer Timmy Chua at ang mga boksingero.

"Medyo sluggish pa ako," pag-amin ni Chua na hindi pa nakakare-kober sa mahabang biyahe mula sa Manila.

Ngunit ang mga boksingerong sina Harry Tanamor, Violito Payla, Romero Brin at Christopher Camat na galing Bugeat, Limoges, France ay kondisyon na kondisyon.

Ang dalawang US-based swimmers na sina Miguel Mendoza at Mi-guel Molina ay magkahiwalay na dumating noong Linggo upang sa kabuuan ay may 20 miyembro na ng RP officials at atleta na nasa Village. Nakatakdang namang dumating ang dalawa pang Fil-Am swimmers na sina James Bernard Walsh at Jaclyn Pangilinan.

AGOSTO

ATHENS OLYMPIC GAMES

CHRISTOPHER CAMAT

DEKELIA COMPLEX

FIGUEROA

HARRY TANAMOR

IF I

JACLYN PANGILINAN

LINGGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with