'Old Warrior' hari pa rin ng Olongapo City leg
August 9, 2004 | 12:00am
Inangkin ng beteranong marathoner na kilalang "The Old Warrior" ang kanyang ikasampung regional leg title at makabiyahe pabalik sa 28th National Milo Marathon finals.
"Pinaghandaan ko talaga ito (Milo Marathon) dahil gusto kong patunayan na kaya ko pa," wika ng 48-year-old na si Rey Antoque ng Philippine Army na naging Milo Marathon national champion noong 1992. "Nag seventh ako sa National (Finals) last year, ngayon pipilitin kong makakuha ng mas mataas na pwesto."
Si Antoque ay naorasan ng isang oras, 19 minuto at 14 segundo habang ang second placer na 25 anyos na si Joseph Rosete ay dumating ng 1:19:19 at ang 23 anyos na si Jujet de Asis ay ikatlo sa tiyempong 1:19:20.
Sina Antoque, Rosete at De Asis ay aabante sa National Finals ng karerang ito, na pinagtutulungan ng Cebu Pacific, Bayview Park Manila, Globe Handyphone, Adidas at Department of Tourism, sa Nobyembre 14 sa Metro Manila.
Sa kababaihan, magaang napagwagian ni Maria Elena Torcelino ang Olongapo leg.
Ang 29-year-old na si Torcelino, na runner-up noong 1991 National Finals, ay naorasan ng 1:38:02, mahigit 29 minutes sa pumangalawang si Ermitha Arigo at 39 minutes sa third placer na si Norma Maranion.
Umusad din sina Torcelino, Arigo at Maranion sa 42-kilometer National Finals.
Nanguna naman sa 5-kilometer fun run sina Jeverson Galvez at Krista Manilag habang ang nagwagi sa 3-kilometer age-group race ay sina Jason Alonzo at Rowena de Torres (6-9 years old) at Russel Martinez at Raissa Ortiz (10-12 years old).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended