First round winalis ng Ateneo
August 9, 2004 | 12:00am
Sweep ng Ateneo de Manila University ang kanilang pitong assignments sa pagtatapos ng unang round ng eliminations ng UAAP mens basketball tournament.
Kahit ang malakas na FEU ay di nagawang pigi-lan ang pananalasa ng Larry Fonacierless na ADMU Blue Eagles na muling sumandal sa kabayanihan ni L.A. Tenorio upang maitakas ang 67-64 panalo kahapon sa Araneta Coliseum.
Kumamada ng career-high na 26-puntos si Tenorio na kanyang isinelyo sa pamamagitan ng tres upang basagin ang pagtatabla ng iskor sa 62 at kunin ang 65-62 bentahe para sa ADMU Blue Eagles patungo sa huling 24.4 segundo ng labanan.
Matapos ipasok ni Chris Tiu ang kanyang dalawang free-throws para makalapit ang Far Eastern sa 67-64 nagkaroon ng tsansa ang FEU Tamaraws na ihatid ang laro sa overtime ngunit walang nangyari sa desperadong triple ni Dennis Miranda.
Sa labanan ng dalawang kulelat na koponan sa unang laro, nakapasok sa win column ang University of the Philippines matapos ang 69-56 panalo sa National University.
Sa womens division, pinangunahan ni Grace Abella ang FEU Lady Tams sa pagkamada ng 17 puntos tungo sa 63-55 panalo kontra sa Ateneo Lady Eagles sa overtime na nagbunga ng three-way tie sa ikalawang puwesto, kasama ang kanilang biktima at UP Lady Maroons sa 2-1. (CVO)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended