NCAA Basketball Tournament: San Sebastiam nakaganti na sa JRU
August 7, 2004 | 12:00am
Sa pagkakataong ito, tiniyak ng San Sebastian College-Recoletos na hindi na sila maiisahan ng Jose Rizal University tulad ng nangyari nang una silang magkita.
Kaya naman umangat sina Red Vicente at Venancio Rebuya sa final canto upang tibagin ang hamon ng JRU Heavy Bombers tungo sa 73-65 pamamayani ng SSC-R Stags sa Rizal Memorial Coliseum kahapon.
Nagtulong sina Vicente at Rebuya sa pinagsamang 21-puntos sa ika-apat na quarter upang makabawi ang Baste sa 79-81 kabiguan sa kanilang unang pakikipagkita sa JRU Heavy Bombers noong July 21 dahil sa buzzer beating triple ni Wynsjohn Te.
Umangat ng 11 puntos ang San Sebastian, 69-58 papasok sa huling 3:25 oras pa ng labanan ngunit ang tanging nagawa ng Jose Rizal ay makalapit ng hanggang limang puntos mula sa 6-0 salvo na naglapit ng iskor sa 64-69, 55 segundo na lamang.
Gayunpaman, nagpakatatag ang Baste upang maipreserba ang panalo at ipalasap sa Heavy Bombers ang ikalimang talo sa kabuuang walong laro na sumira sa kanilang back-to-back wins.
Sa highschool division, naiposte ng JRU Light Bombers ang ikala-wang panalo sa anim na laro matapos ang 79-74 panalo laban sa SSC-R Staglets na bumagsak sa 4-4 karta.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended