NCAA Basketball Tournament: San Sebastian at Letran iisa ang pakay
August 6, 2004 | 12:00am
Iisa ang pakay ng defending champion Colegio de San Juan de Letran at San Sebastian College-Recoletos sa magkahiwalay na laban sa pagsisimula ng kani-kanilang kampanya sa ikalawang round ng eliminations ng NCAA mens basketball tournament na ginaganap sa Rizal Memorial Coliseum.
Ito ay ang pakikisosyo sa ikalawang puwesto sa walang laro ngayon na Mapua Institute of Technology na may 5-3 karta sa likod ng nangungu-nang University of Perpetual Help Dalta System na may 6-2 baraha.
Unang sasabak ang SSC-R Stags kontra sa Jose Rizal University sa alas-2 ng hapon at sa ikalawang seniors game, magsasagupa naman ang CSJL Knights at inaalat na College of St. Benilde sa alas-4 ng hapon.
Kapwa nagtapos ang Letran at San Sebastian na may 4-3 panalo-talo record sa unang round ha-bang ang JRU Heavy Bombers naman ay may 3-4 karta.
Pinakakulelat sa lahat ang CSB Blazers dahil wala pang naipapanalo sa anim nilang asignatura sa unang round ngunit sila ang pinakamapanganib sa ngayon sa yugtong ito.
Sa juniors division, magsasagupa naman ang JRU Light Bombers at SSC-R Staglets sa pambungad na sultada sa alas-11:30 ng umaga habang makaka-engkuwentro ng De La Salle-Zobel ang CSJL Squires sa huling laro sa alas-6 ng gabi. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am