P7M sa makapag-uuwi ng gintong medalya
August 6, 2004 | 12:00am
Pinangakuan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng gantimpa-lang P7 milyon ang mga atletang lalahok sa idaraos na Olympic Games sa Athens, Greece sa sandaling makapag-uwi sila ng medalyang ginto para sa Pilipinas.
Inihayag ito ng Pangulo nang magbigay galang sa kanya sa Mala-kanyang kahapon ang grupo ng 16 atleta at 18 mga delegado sa gaganaping Olympic Games sa Athens, Greece sa August 13 hanggang 26, 2004.
Ang grupo ng mga atleta at mga opisyal ng palakasan na nagbigay galang kahapon sa Malakanyang ay kinabibilangan nina Rafael Chua (swimming); Jasmine Figueroa (archery); Eduardo Buenavista (long distance runner); Lerma Bulauitan-Gabito (long jump); Jethro Dionisio (shooting); Tshomlee Go, Donald Geisler at Marie Antoniette Rivero (taek-wondo); Philippine Sports Commission Chairman Eric Buhain at Philippine Olympic Committee President Celso Dayrit.
"I am proud to send off our small contingent to the forthcoming Olympic Games in Athens," anang Pangulo kasabay ng pahayag na ang paglahok ng bansa sa Olympiada ay alinsunod sa misyong pakikipagkaibigan ng bansa.
Sa kabila aniya ng kasalukuyang mga sigalot sa ilang dako ng mundo ang mga Pilipinong lalahok sa Olympiyada ay magsisilbing simbolo ng kahusayan ng bansa sa lahat ng larangan at bilang pagtupad sa komitment ng bansa sa pandaigdig na pagtataguyod ng kapayapaan at pagkakaisa.
"Sana ay makapagkaloob kayo ng glorya at tagumpay na siyang nararapat lang para sa sambayanan," anang Pangulo.
Ang 14 sa 16 na kinatawan ng bansa sa Olympiyada ay kabilang sa 345 mga pinagkalooban ng tulong ng First Gentleman Mike Arroyo. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am