^

PSN Palaro

Executive council itinalaga ng FG Foundation

-
Si Manila Mayor Lito Atienza ang siyang magiging panauhing pandangal kung saan hahawiin ang kurtina para sa ikatlong season ng Universities and Colleges Athletics Association (UCAA) basketball tournament ngayon sa Rizal Memorial Coliseum.

Inaasahang makakasama ni Atienza sa isang oras na opening ceremonies na tatampukan ng tradisyunal na parada ng koponan ang sports-caster/columnist na si Quinito Henson.

Ang dalawa ay sasamahan din ni Dr. Paulo E. Campos, president ng host school Emilio Aguinaldo College (EAC) at UCAA president Romeo Gabriel sa paghahagis ng ceremonial toss para sa pormal na pagubukas ng naturang meet na suportado ng Molten at Mizuno.

Sa hiwalay na opening ceremony na magsisilbing pagbubukas ng volleyball compe-tition bukas sa pitong palapag na state-of-the-art EAC sports center.

Team-to-beat pa rin ang defending champion St. Francis of Assisi sa eight-member school meet na ito, gayunpaman, inaasahang magbibi-gay ng sakit ng ulo ang mga koponang nalalabi.

Ang Doves ay agad na mapapasabak sa matinding laban sa kanilang pakikipagharap sa mahigpit na karibal na Philippine School of Business Administration Jaguars sa alas-11:30 ng umaga, habang kakaliskisan naman ng EAC ang La Salle-Dasmariñas sa alas-10 ng umaga matapos ang opening rites.

Sa iba pang laban, haha-rapin ng La Salle-Manila ang Colegio de San Lorenzo sa ala-1 ng hapon bago isasara ng National College of Business and Art ang telon sa kanilang pakikipagtipan sa Olivarez College sa alas-2:30 ng hapon.

ANG DOVES

DR. PAULO E

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

LA SALLE-DASMARI

LA SALLE-MANILA

NATIONAL COLLEGE OF BUSINESS AND ART

OLIVAREZ COLLEGE

PHILIPPINE SCHOOL OF BUSINESS ADMINISTRATION JAGUARS

QUINITO HENSON

RIZAL MEMORIAL COLISEUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with