^

PSN Palaro

FG tuloy ang suporta sa mga atletang Pinoy

-
Ipinangako kahapon ni First Gentleman Atty. Jose Miguel Arroyo ang patuloy na pagsuporta sa national athletes sa paglulunsad ng ikalawang yugto ng "Medalyang Ginto, May Laban Tayo!" program, na naglalayong hikayatin ang mga pribadong korporasyon na tumulong sa pagpopondo sa RP team na naghahanda sa 2005 Southeast Asian Games.

Muling ni-renew ni Arroyo ang commitment ng kanyang foundation ngunit hinamon ang national athletes na gawin ang kanilang trabaho para makuha ang overall title sa 23rd SEA Games na muling iho-host ng bansa matapos ang 14 na taon.

"We have one year to do this. We don’t want to finish fourth. With the Philippines as host, we have to finish first," hamon ni Arroyo sa harap ng sports officials na pinamumunuan nina Philippine Sports Commission chairman Eric Buhain at Philippine Olympic Committee president Celso Dayrit sa Bahay Pangarap sa Malacañang.

"Our target is to win 120 gold medals. Let’s just do it," dagdag ng Presidential spouse na kilala ngayon sa local sports bilang "The Big Brother of Philippine Sports."

Noong nakaraang taon, nakalikom ang "Medalyang Ginto" project ng P22.4-million mula sa 22 corporations, kung saan nabenipisyuhan ang 85 athletes mula sa 17 sports na napiling potential medalists sa Vietnam SEA Games. At maganda naman ang naging resulta nang makuha ng mga athlete-beneficiaries ang 33 sa 49 golds na napagwagian ng delegasyon na pumang-apat.

Ngayong taon, mahigit 300 atleta na nakasama sa tinaguriang "Makabayan" batch ang inaasahang kukuha ng corporate ‘godfathers’ para sa kanilang local training, medical at nutritional supplements, psychological at physiological reinforcement, state of the art sports supplies and equipment, at dagdag na exposure sa international sports competitions bago sumapit ang 2005 meet.

BAHAY PANGARAP

BIG BROTHER OF PHILIPPINE SPORTS

CELSO DAYRIT

ERIC BUHAIN

FIRST GENTLEMAN ATTY

JOSE MIGUEL ARROYO

MAY LABAN TAYO

MEDALYANG GINTO

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with