Sina Rañola at Sanchez ay kapwa kumamada ng tig 6.5 puntos tulad nina overnight solo lider GM Sinisa Drazic ng Yugoslavia, GM Mladen Palac ng Croatia, GM Chanda Sandipan ng India, GM Davor Komljenovic ng Croatia, IM Fabio Bellini at FM Folco Castaldo ng Italy at FM Fabricio Pattuzo ng Switzerland.
Ngunit dahil sa tie break points, si Rañola ang umokopa ng ika-5 puwesto habang si Sanchez ay nasa ika-8 puwesto sa nine-round Swiss system ng FIDE tournament na nilahukan ng 12 Grandmaster, 12 International Master at 11 FIDE Master na may kabuuang 166 chess players mula sa European circuit.
Hindi naman pinalad ang isa pang Filipino entry na si IM Ronald Bancod matapos lumasap ng dalawang sunod na pagkatalo kay Pavel Gov-ciyan ng France para muling mapako sa 5.0 puntos at mahulog sa ika-46 na puwesto.
Tinanghal namang kampeon si GM Andrei Sokolov ng France makaraang manalo kay GM Bogdan Lalic ng England. Katabla ni Sokolov sa 7 puntos sina Super Grandmaster Vladislav Tkachiev ng France na nanaig kay GM Sinisa Drazic ng Yugoslavia, at Super Grandmaster Igor Miladinovic na nagwagi kay GM Miroljub Lazic ng Yugos-lavia.
Ngunit sa bisa ng tie break points tinanghal na kampeon si Sokolov at pumangalawa naman at ikatlo sina Miladinovic at Tkachiev, ayon sa pagkakasunod.