^

PSN Palaro

Sakripisyo ng Hotdogs

FREE THROWS - AC Zaldivar -
Marahil ay tama na rin ang diskarte ng Purefoods Tender Juicy Hotdogs na huwag kumuha ng imports para sa kanilang nalalapit na paglahok sa isang Invitational Tournament sa Brunei sa susunod na buwan.

Hindi naman kasi mahalaga para sa Hotdogs na magkampeon sa torneong iyon, e. Ang mahalaga para sa Hotdogs ay ang mapag-handaan ang pagbubukas ng 30th season ng Philippine Basketball Association sa Oktubre.

Kasi nga’y gustung-gusto ng Purefoods na makabangon na sa pagkakasadlak sa ilalim. Mula nang magkampeon ang Purefoods sa 2002 first conference, wala nang nangyari sa Hotdogs. Iyon na ang huling kampeonato nila at pagkatapos ay puro kulelat na lang ang inabot nila.

Sayang, e.

Kasi nga’y maganda ang naging simula ng coaching career ni Paul Ryan Gregorio. Naihatid niya sa rurok ang Hotdogs kahit na noong siya ay isang interim head coach lamang. Magandang record iyon sa kanyang biodata.

Kaya naman noong isang taon, nang mahirang si Eric Altamirano bilang head ng San Miguel All-Stars program, si Gregorio kaagad ang ipinalit sa kanya. Pero hindi na nga nakaulit pa ang Hotdogs. Apat na sunud-sunod na conferences na hindi umabot sa semis ang Purefoods.

Sa nakaraang Gran Matador-PBA Fiesta Conference ay apat na panalo lang ang naitala ng Hotdogs. Nabigo sila kontra Coca-Cola sa "wild card" phase ng torneo at hindi nakausad tungo sa quarterfinals.

Maraming nagsasabing malaki ang potential ng Purefoods. Kasi nga’y maraming pagbabago ang naganap sa line-up ng Purefoods. Anim ang bagong players na kinuha ni Gregorio sa simula ng nagdaang torneo. Pero hindi naman kaagad nakapag-adjust ang mga ito. Katunayan ay nagtamo pa nga ng injuries ang apat na bagong manlalaro ng Hotdogs na sina Jun Limpot, Eddie Laure, James Yap at Ervin Sotto.

Nahirapan din ang Pureoods na makahanap ng mahusay na import. Papalit-palit sila ng import hanggang sa dulo. Hindi nga ba’t si James Head ay naglaro lang ng isang game kontra sa Coca-Cola sa "wild card" phase?

Sa sapin-saping problemang ito, talagang walang pupuntahan ang Hotdogs.

Pero dahil sa tatlong buwan nga ang naging pagitan ng Fiesta Conference sa susunod na All-Filipino Conference ay mapa-paghandaan itong mabuti ni Gregorio. Wala na siyang dahilan para mabigo.

Kung kukuha ng import ang Purefoods para sa Brunei tournament, magiging counter-productive iyon.Hindi matututo ang Hotdogs na umasa sa kanilang sarili kung may iba silang aasahan.

All-Filipino Conference ang susunod na torneo ng PBA. Tama lang na All-Filipino rin ang Hotdogs sa Brunei. Malakas ang field doon at pagkatapos ng torneo tiyak na gaganda ang kumpiyansa ng Hotdogs tungo sa susunod na PBA conference.
* * *
BELATED birthday greetings sa aking pamangking si Toto Kay Zaldivar na nagdiwang noong Sabado, July 31.

ALL-FILIPINO CONFERENCE

BRUNEI

COCA-COLA

FIESTA CONFERENCE

GREGORIO

HOTDOGS

KASI

PERO

PUREFOODS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with